PAHALAGAHAN ANG DEMOKRASYA!

12 12 2010

ITULOY ANG ELEKSIYON NG STUDENT COUNCIL SA RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY!

Position Statement of ASAP-RTU

 

Nasasaad sa konstitusyon ng mga mag-aaral ng Rizal Technological University (RTU) na isang mandato na mayroong taunang eleksiyon na ginaganap para sa Mandaluyong Campus Central Student Council at College and Institute Student Council (CISC).

 

Ang mandato ay hindi natupad sa taong ito dahil sa isyu ng kawalan ng opisyal ng pamantasan na sana’y pipirma para sa budget request para sa eleksiyon.  Setyembre nang naglabas ang Commission on Student Elections o Comselec ng kalendaryo patungo sa pagganap ng eleksyion ngunit hindi ito nasunod.  Dahil dito, naipagpaliban ang eleksiyon at kasalukuyan pa ring walang klarong memorandum na nanggagaling mula sa Comselec hinggil sa pagpapatuloy ng eleksyon.

 

Isang agam-agam na niluluto ng Comselec na i-appoint na lamang ang mga opisyal ng student councils at tuluyan nang ipagpaliban ang eleksiyon.  Isa sa mga dahilang sinasabi ng Comselec ay kawalan ng budget at panahon.

 

Kami sa Alliance of Students for Alternative Politics – RTU (ASAP-RTU) at sampu ng aming mga kaanib na organisasyon ay nananawagan sa COMSELEC na tuparin ang kanilang mandato na ituloy ang eleksiyon bago magtapos ang ikalawang lingo ng Enero.

>>Ang pagpapaliban ng eleksiyon ay isang klarong paglabag sa Konstitusyon at karapatan ng mga estudyante.

 

>>Dahil sa kawalan ng mga namumuno sa konseho ng mag-aaral, nasasakripisyo ang mga proyekto at programa na dapat sana ay nagbibigay benepisyo sa mga estudyante ng RTU. Palaki ng palaki ang badyet ng student council na hindi nagagamit.

 

>>Ang pag-appoint sa mga opisyales ng student council ay isang paglabag sa esensiya ng demokrasya ng RTU.  Ang Comselec ay walang kapangyarihang mag-appoint labas sa sistema na isinasaad ng Student Government Code at Election Code.

 

>>Kailangang manaig ang boses ng mga estudyante sa gusto nilang mamuno sa kanila.  Ang pag-appoint ng student councils ay maaaring simula ng patuloy na pagyurak sa karapatan ng mga estudyante na pumili ng mga representante sa konseho at maaring maulit sa mga sumusunod na taon.

 

ANG ASAP-RTU AY MARIING NANANAWAGAN NA ISULONG ANG KARAPATAN NG MGA MAG-AARAL SA PAGPILI NG MGA TUNAY NA REPRESENTANTE NA UUPO SA KONSEHO NG MGA MAG-AARAL NG RTU!

 

TUTULAN ANG PLANONG PAG-APPOINT!

 

BOTO MO, KARAPATAN MO!

 

Alliance of Students for Alternative Politics – RTU

asap.rtu@gmail.com

ASAP-RTU Hotline:  +6393.96.529.679

 

 

Advertisements